LRTA sinimulan na ang maintenance sa mga tren ng LRT-2

DOTr Photo

Ngayong Huwebes Santo ang unang araw ng maintenance activities ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa LRT line 2.

Kabilang sa mga isasailalim sa maintenance ay ang mga bagon ng tren, mga riles, electrical system at iba pang mga pasilidad sa bawat istasyon ng tren.

Layon ng maintenance activities ang matiyak na maayos na nag-ooperate ang mga tren at ligtas ang mga pasahero nito.

Ang LRT-2 ay biyaheng Santolan – Recto at pabalik.

Mananatiling walang biyahe ang LRT-2 hanggang sa April 1, Easter Sunday at babalik sa normal ang operasyon nito sa Lunes, April 2.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...