P2.5M na halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa QC

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa P2.5 million na halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Dalawang drug suspects ang naaresto sa nasabing operasyon at nakuha sa kanila ang tinatayang 500 gramo ng shabu.

Ayon sa Special Enforcement Services ng PDEA ang mga nadakip ay sina Sahara Abal Abdurahman at Lim Akik Abdulah sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng Fairview Terraces mall.

Kapwa residente ng Fairview, Quezon City ang dalawa pero tubong Jolo, Sulu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

Read more...