VP Robredo, ikinatuwa ang pagsisimula ng recount ng mga balota sa kinakaharap na electoral protest

Inquirer file photo

Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na simulan na sa susunod na linggo ang initial ballot revision para sa electoral protest na kanyang kinakaharap.

Ayon kay Robredo, matagal niya nang hinihintay ang pagsisimula ng manual recount ng mga balota.

Dagdag pa ng bise-presidente, nais niyang tapusin na ng PET ang kaso upang matigil na ang matagal na isyu na nag-ugat noon pang nakaraang eleksyon.

Hindi na nagbigay pa ng ibang pahayag si Robredo dahil sa ipinalabas na gag order ng Korte Suprema na nagbabawal sa kanyang kampo at sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na pag-usapan sa publiko ang merito ng kaso.

Sa Lunes, April 2, sisimulan ng PET ang recount na gaganapin sa gymnasium ng Supreme Court-Court of Appeals parking building sa Padre Faura, Maynila.

Read more...