Ito ay para bigyang-daan ang taunang “Alay Lakad” sa Antipolo na dinarayo ng mga deboto at namamanata taun-taon.
Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rizal, mula alas 6:00 ng gabi bukas, Huwebes Santo hanggang alas 6:00 ng umaga sa Biyernes Santo ay sarado ang bahagi ng Ortigas Avenue extension partikular ang mula sa Cainta Junction hanggang sa Antipolo.
Ang mga motorista ay inaabisuhan na dumaan sa East Bank Road Floodway sa bahagi ng Ynares Blvd. o ‘di kaya ay sa Marcos Highway bilang alternatibong ruta.
Samantala, naglabas naman ng paalala ang Rizal Provincial government sa mga makikiisa sa Alay Lakad patungong Antipolo Cathedral.
Kabilang sa paalala ang pagtiyak na maayos ang kondisyon ng katawan.
Pagsuot ng tama at naaayong damit para sa nasabing religious event.
Manatili sa kanang bahagi ng kalsada sa kasagsagan ng Alay Lakad at sundin ang mga road at directional signs.
At makinig sa mga anunsyo para sa kaligtasan ng mga lalahok.