North Korean leader Kim Jong Un at Chinese President Xi Jinping nagkausap sa China

Xinhua state media

Kinumpirma ng Chinese government na nagkaroon ng pag-uusap sina North Korean leader Kim Jong Un at Chinese President Xi Jinping.

Ito ay nang magtungo sa Beijing si Kim na kaniyang kauna-unahang foreign trip mula nang maupo sa pwesto noong 2011.

Tumagal ng apat na araw ang pagbisita ni Kim sa China, mula Linggo hanggang Miyerkules.

Naganap ang pag-uusap ng dalawang lider sa Great Hall of the People sa Beijing kung saan, isang nagkaroon din sila ng salu-salo sa hapunan kasama ang asawa ni President Xi na si Peng Liyuan at ang asawa ni Kim na si Ri Sol Ju.

Ang China ang natatanging major ally ng North Korea.

Nag-tren si Kim nang magtungo siya sa Beijing at nag-tren din ito pauwi ng North Korea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...