Sa mga naunang police station na pinuntahan ni Albayalde, gising at alerto ang mga pulis na kaniyang nadatnan.
Masaya si Albayalde dahil gising at kumpleto sa tao ang mga binisita niyang Police Community Precinct (PCP) sa Taguig, Parañaque, Maynila at Makati City.
Gayunman, sa Police Community Precinct (PCP) 4 ng San Juan City na huling pinuntahan ni Albayalde, wala siyang nadatnang pulis.
Nang makapasok si Albayalde at kaniyang mga kasama, nakita nilang tulog sa loob ang precinct commander.
Nangatwiran pa ito na siya ay 24 na oras nang naka-duty kaya siya natulog.
Ipatatawag sa headquarters ng NCRPO ang naaktuhang natutulog.