Lalaking natalo sa pustahan sa Bangladesh nagkunwaring biktima ng murder; kunwaring pagpatay sa kaniya ikinalat sa social media

Isang lalaki sa Bangladesh ang inaresto ng mga pulis makaraang magpanggap na siya ay biktima ng murder para lang makaiwas sa pagbabayad ng kaniyang pagkakautang sa pustahan.

Ginamit pa ni Ade Shikder ang social media para mag-post ng video nang kunwari ay pagpatay sa kaniya, nilagyan ng kulay pulang fruit juice ang kaniyang katawan na kunwari ay dugo.

Ayon sa Dhaka police, natalo sa pustahan sa cricket game sa pagitan ng Bangladesh at India ang lalaki at kailangan nitong magbayad ng $1,800.

Pero para makaiwas sa pagbabayad, gumawa ito ng eksena na kkunwari siya ay pinapatay ng dalawang suspek at saka ipinost ito sa social media.

Sa loob lang ng isang araw, umabot sa 10,000 ang shares ng video ng pekeng murder.

Pero maging ang magulang at kapatid ni Shikder ay nag-alala ng labis ng mapanood nila ang video kaya agad silang dumulog sa mga otoridad para mahanap ang bangkay nito.

Doon na nagsimulang mabuking na peke pala ang pagkamatay nito.

Unang nadakip ang make-up artist na siyang nag-ayos sa mga kunwaring sugat ni Shikder at ito na ang umamin sa mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...