Sa holy week schedule na inilabas ng MRT 3, manananatili itong nakasara hanggang April 1, Easter Sunday.
Magbabalik ang normal na operasyon ng linya ng tren sa Lunes, April 2.
Samantala, simula naman bukas, Huwebes Santo ay tigil-operasyon na rin ang LRT 1 and 2 at Philippine National Railways para na rin sa kanilang system maintenance.
Mauunang magbabalik ang normal na operasyon ng PNR sa Easter Sunday, April 1 maliban sa Bicol Commuter Train nito na sa April 2 pa magbabalik.
Habang ang LRT 1 at 2 naman ay kasabay na magbabalik operasyon ng MRT 3 sa Lunes, April 2.
READ NEXT
PNP, LGUs, pinaghanda ng DILG sa posibleng pag-atake ng NPA kasabay ng kanilang anibersaryo
MOST READ
LATEST STORIES