Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, inalerto ng ahensya ang PNP at ng mga lokal na pamahaalan hinggil dito.
Sinabi ni Año na kadalasang naglulunsad ng mga bayolenteng pag-atake ang NPA kapag nagdiriwang ng anibersaryo.
Tiniyak naman ni Año na sapat ang bilang ng mga pulis na ipinakalat sa buong bansa para magtiyak sa kaligtasan ng mga bibiyaheng publiko ngayong Semana Santao.
Aniya mayroong 27,000 na mga pulis ang naka-deploy sa buong bansa at nakipag-ugnayan na rin ang DILG sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Hiniling din ng DILG sa publiko na agad mag-report sa mga otoridad kapag may kahina-hinalang kilos o bagay na mapapansin.