5 katao under observation sa sintomas ng MERS CoV

June 9 MersCOv dot netIsinailalim sa strict monitoring ng Department of Health (DOH) ang limang katao na kabilang sa 101 na indibidwal na nagkaroon ng close contacts sa Saudi Arabian National na nasawi sa bansa dahil sa Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ayon kay Health Sec. Janette Garin, sa 101 na nagkaroon ng close contacts sa nasabing dayuhan, 15 ang nakitaan ng positibong senyales ng sakit.

Gayunman, lima lamang sa mga ito ang minomonitor ngayon sa pagamutan at ang 11 ay isinailalim sa home quarantine. “Doon sa 15, 5 ang tinututukan natin. 101 ang close contacts, 15 nagpakita ng sintomas, out of the 15, while they were all admitted, 5 po ang talagang binabantayan natin,” ayon kay Garin.

Sinabi ni Garin na ang mga naka-home quarantine ay mayroon namang periodic coordination sa DOH. Araw-araw aniyang nakikipag-usap ang mga tauhan ng DOH sa mga ito.

Tinawag ni Garin na ‘symptomatic persons’ ang labinglima na bagaman nag-negatibo sa unang test na isinagawa ay hindi pa maaring ideklarang ligtas dahil sasailalim pa sila sa confirmatory test. “Sa 15 na may sintomas, lahat sila negative pero patuloy pa rin ang pagbabantay natin sa kanila kasi hindi pa yun tapos ang incubation period. Ibig sabihin maski negative sila, kung saka-sakali nahawa, kailangan pa rin re-test sila kasi may posibilidad na mag-positive kung nahawa,’ sinabi pa ni Garin.

Sa October 14 magtatapos ang quarantine period, at kung hindi sila magkikitaan ng sintomas sa nasabing petsa at magnenegatibo naman sa confirmatory test ay saka lamang sila maaring i-clear ng DOH.

Read more...