Mga driver ng Uber ipinatawag sa pulong para paliwanagan sa gagawing pag-absorb sa kanila ng Grab

Inquirer file photo

Ipinatawag ng Grab ang mga driver ng Uber sa isang sesyon ngayong araw.

Ito ay para mapaliwanagan sila sa kung paano ang magiging proseso ng pag-absorb sa kanila makarang bilhin ng Grab ang Uber.

Isasagawa ang onboarding session sa mga Uber driver sa Megatent sa Libis, Quezon City.

Ang nasabing proseso ay sasaksihan ni LTFRB Board Member Aileen Lizada at mga opisyal ng Grab.

Magugunitang nangamba ang driver ng Uber matapos matapos ang acquisition ng Grab sa Uber at marami ang blangko sa kung ano ang kanilag magiging kapalaran.

Tiniyak din ng Grab na ia-absorb nila ang lahat ng empleyado o staff ng Uber na ngayon ay pawang nakasailalim sa paid leave.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...