Libu-libong katao kinondena ang sunog sa isang shopping mall sa Russia na ikinasawi ng 64 katao

AP Photo

Nagsagawa ng kilos protesta ang libu-libong katao sa Kemorovo, Russia bilang pagkondena sa mga opisyal ng gobyerno kasunod ng sunog sa isang mall na ikinasawi ng 64 katao kung saan 41 ay bata.

Personal na bumisita si Russian President Vladimir Putin sa Kemerovo at inihayag ang kanyang pagkadismaya at sinisi ang ‘criminal negligence’ sa nasabing sunog.

Maraming tao kabilang ang mga bata pa rin ay iginigiit ng mga tao na kasalukuyan pa ring nawawala.

Marami sa mga demonstrador ang kumukwestyon sa mga awtoridad at hindi naniniwala sa bilang ng mga nasawi na inaanunsyo ng gobyerno.

Nagsagawa rin ng rally sa labas ng himpilan ng pamahalaang lokal at sinabing dapat mapanagot ang mga opisyal dahil sa pagkukulang na maipatupad ang fire safety.

Ilan din ang sumisigaw na magbitiw na sa pwesto si President Putin.

Lumuhod naman si Reional Deputy Governor Sergei Tsivilev sa harap ng publiko at humihingi ng patawad na siya namang ikinatuwa ng publiko.

Patuloy na iniimbestigahan ang sunog ngunit ayon kay Senior regional official Vladimir Chernov, hinihinalang nagsimula ang apot sa children’s trampoline room sa pinakamataas na bahagi ng building.

Apat na katao naman ang sasampahan ng kaso kabilang ang isang guard mula sa isang pribadong security firm.

Read more...