Nakauwi na sa bansa ang karagdagang 165 na overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait kahapon, March 27, Martes Santo.
Alas-4:30 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAI) ang 45 sa mga OFWs sakay ng Qatar Aiways flight QR 932.
Sakay naman ng Philippine Airlines (PAL) flight PR669 ang 120 manggawa na dumating pasado alas-10 kagabi.
Ang pag-uwi ng mga OFW ay bunsod pa rin ng ipinatupad na deployment ban ng pamahalaan ng Pilipinas sa Kuwait matapos ang pagkamatay ng domestic worker na si Joanna Demafelis at mga ulat ng pang-aabuso sa mga Pinoy workers sa naturang bansa.
Higit 3,500 pinoy workers na mula Kuwait ang napauwi sa bansa simula Pebrero.
Sa kasalukuyan ay nagkasundo na ang Pilipinas at Kuwait sa isang draft deal na layong bigyan ng proteksyon ang mga OFWs.
Inaasahang sa lalong madaling panahon ay malalagdaan na ang kasunduan sa Kuwait.