Chinese President Xi Jinping nagpaabot ng pagbati kay Pangulong Duterte sa kanyang ika-73 kaarawan

Malacañang File Photo

Ipinaabot ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang pagbati kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipinagdiriwang ngayong araw, March 28 ang kanyang ika-73 kaarawan.

Sa kanyang sulat na ipinadala sa pamamagitan ng Chinese Embassy sa Maynila, sinabi ni Xi na lubhang gumanda ang relasyon ng Pilipinas at China at nagdudulot ito ng magagandang resulta kung saan nakikinabang ang mga mamamayan at naitataguyod din ang kapayapaan sa rehiyon.

“Our bilateral relations have enjoyed ongoing betterment and improvement and reaped productive outcomes, which brought tangible benefits to our two peoples and promoted peace and stability of the region,” ani Xi.

Iginiit din ni Xi na sa kanilang naging pagtatagpo sa ilang mga mahahalagang okasyon ay marami silang bagay na napagkasunduan na magtatakda pa sa mas magandang ugnayan ng Pilipinas at China sa hinaharap.

Iniiugnay ni Xi sa kasalukuyang administrasyon ang gumagandang relasyon ng Pilipinas at China sa kasulukuyan.

Handa anya siya na makipagtulungan pa kay Duterte upang mapalawig pa ang lumalalim na relasyon ng Pilipinas at China at ibigay ang mas magandang buhay sa mga mamamayan nito.

Read more...