6 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Kalaboso ang anim katao, kabilang ang isang menor de edad na dalaga, matapos magkasa ng buy bust operation ang Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa Barangay Payatas.

Nakilala ang mga suspek na sina Noel Tatel alyas El, 47 taong gulang; Terence Simeon, 48 taong gulang; Generos Peñaflor, 42 taong gulang; Sonny Mendez, 38 taong gulang; Ian Caño, 24 taong gulang; at isang 16 na taong gulang na dalaga.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas, hepe ng QCPD STation 6, pangunahing target ng operasyon si Tatel.

Nang isagawa aniya ang buy bust sa bahay ng suspek ay natiyempuhan rin nila na nagsasagawa ng pot session ang lima pang mga kasamahan ni Tatel, kabilang ang menor de edad. Dahilan ito upang arestuhin ang anim na mga suspek.

Depensa ng menor de edad, hindi umano siya gumagamit ng shabu at nagkataon lamang na naroon sa bahay nang maganap ang operasyon.

Narekober mulasa mga ito ang 13 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...