Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, mula Baguio City at biyeheng Bontoc, Mountain Province ang pampasaherong bus. Ngunit nawalan ng kontrol ang driver nito dahil nasira umano ang manibela ng bus.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Baguias Police tungkol sa aksidente at sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang bus driver.
Paalala ng Philippine National Police (PNP), tiyakin muna ang kundisyon ng mga sasakyan bago ito ibyahe upang masigurado rin ang kaligtasan ng mga pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES