Tatlo arestado sa buy bust operation sa MOA

Arestado ang tatlong drug suspects at nakuha sa kanila ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso sa buy bust operation sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, naaresto ang tatlong suspects sa MOA South open parking Martes ng gabi.

Ang nahuli ay sina Malina Nano, Aladin Amiril Salilagia at Abner Nano.

Ang tatlo ay nagbenta ng shabu sa PDEA agent na nagpanggap na bibili ng naturang droga.

Read more...