Azkals pasok na sa Asian Cup

Makakasali na sa unang pagkakataon ang Pilipinas sa AFC Asian Cup.

Ito ay matapos talunin ng Philippine Azkals ang koponan ng Tajikistan sa iskor na 2-1 sa kanilang laban Martes ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ayon sa coach ng Azkals na si Thomas Dooley, hindi nawalan ng loob ang mga miyembro ng koponan bagaman naunang naka-goal ang Tajikistan dahil sa isang penalty shot matapos makagawa ng foul si Kevin Ingreso.

Ngunit makalipas ang 10 minuto matapos ang foul ay tila napagbigyan naman si Ingreso dahil nakapagpasok siya ng isang goal.

Kasabay ng naitalang kasaysayan ng Azkals ay naitala rin ng team captain ng koponan na si Phil Younghusband ang kanyang ika-50 international goal.

Dahil sa naturang pagkapanalo ay pasok ang Pilipinas sa Group F ng 2019 AFC Asian Cup.

Magaganap ang Asian Cup sa United Arab Emirates sa susunod na taon mula January 5 hanggang February 1.

Read more...