Inalam din ng opisyal ng BJMP chief ang kalagayan ng may 166 female inmates sa kani-kanilang bilangguan lalo na’t unti-unting umiinit ang panahon.
Nagsagawa rin ang BJMP ng medical mission kasama ang mga doktor sa mga inmates para matiyak na nasa maayos ang kalusugan ng mga detainees sa piitan.
Nagbigay din ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan ang mga inmates na angkop sa pasilidad tulad ng mga sinulid, yarn at karayum na magagamit sa pananahi habang nasa loob ng bilangguan.
Una nang nagsagawa ng serye ng inspeksyon sa iba’t ibang jail facilities sa bansa si Tapayan at sInigurong nasusunod ang kanyang direktiba lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.
Bago nilisan ng BJMP officials ang Marikina City Jail, binigyan muna ng almusal ang mga inmates.