Sa Memorandum Circular number 43, hanggang alas 12:00 ng tanghali lang ang pasok bukas sa lahat ng government offices.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Assistant Sec. Ana Marie Banaag, sakop ng half day work declaration ang mga GOCCs at mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Ibig sabihin, pagsapit ng alas 12:00 ng tanghali bukas ay maari nang umuwi ang mga tauhan ng gobyerno.
Layunin nitong mabigyan sila ng pagkakataon na makabiyahe ng maaga pauwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa.
Maging ang klase sa lahat ng public shools bukas, state universities at colleges ay half day na lang din ayon sa Malakanyang.
Pinatitiyak naman ng Malakanyang na handa pa ring magbigay ng serbisyo kung kakailanganin ang lahat ng departamento o ahensya na may kinalaman sa disaster response.