Pinangunahan ni Sr. Insp. Jovito Labra ang launching bilang siya ang magsisilbing team leader ng ‘Bisikleta Iglesia’.
Maliban sa police visibility at pagtiyak ng kaligtasan ng publiko, layon din ng nasabing programa na mapanatili ang pagiging health conscious ng mga pulis sa Cebu City.
Sa ilalim ng programa, ang mga pulis ay mag-iikot sa mga simbahan at iba pang lugar habang sakay ng kanilang bisikleta.
Partikular na gagawin ang pag-iikot sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa upang maging panatag ang mga namamanata.
MOST READ
LATEST STORIES