Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon MTRCB sa mga bus station sa Cubao.
Ito ay para matiyak na tanging Rated G at Parental Guindance (PG) lang ang pinapalabas na pelikula sa mga bus.
Tatlong bus ang kaagad na nakitaan ng paglabag sa pag-iikot ng MTRCB, kabilang ang dalawang bus ng Ceres Transport, at ang Elavil Tours Transport.
Mismong si MTRCB Chairperson Rachel Arenas ang sumita sa mga bus, dahil nagpapalabas ang mga ito ng mga pelikula na may R13 ang rating.
Dahil dito kinumpiska ng MTRCB ang USB ng Elavil Transport na naglalaman ng mga pelikula para magamit na ebidensya ng ahensya.
Ayon kay Arenas, ipapatawag nila ang mga operator ng mga bus na nahuling nagpapalabas ng pelikula na lagpas sa G at PG, habang isasailalim naman sa seminar ang mga driver at kondutor nito.
Ayon kay Rodelio Palmero driver ng Elavil Transport na may plakang EVP 611 at may biyaheng Manila-Samar, indi nila alam kung anong rating lang na pelikula ang pwede nilang ipapanood sa kanilang mga pasahero habang bumabiyahe.
Lahat naman halos ng bus ay napansin ni Arenas na walang nakapaskil na paalala mula sa MTRCB.
Nilinaw naman ni Arenas na lahat ng public transportation na nagpapalabas ng pelikula ay kinakailangan nasa G at PG lang ang rating.