Ayon kay Deputy Governor Diwa Guinigundo, madaling makita ang pagkakaiba sa bawat halaga ng barya basta’t titignan lamang ito ng publiko.
Kung titignan at babasahin sinabi ni Guinigundo na hindi naman nakakalito ang disenyo ng P5 at P1.
Aniya, dumaan sa dalawang taong pag-aaral ang disensyo ng mga bagong barya.
Malinaw din aniya ang pagkakaiba ng bayani na nasa P5 at P1 kung saan si Andres Bonifacio ang nasa P5 at si Jose Rizal ang nasa P1.
Sa sandaling mailabas na lahat ng bagong disenyo ng mga barya kumpiyansa si Guinigundo na makakasanayan din ito ng mga tao.
Marami ang nagrereklamo sa social media na ang bagong disenyo ng P5 na una nang inilibas ng BSP ay lagi nilang napagkakamalan na P1.