Sa panayam ng Radyo Inquirer, pinayuhan ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang publiko na tiyaking sarado maging ang kaliit-litang pintuan o bintana ng iiwanang bahay.
Minsan kasi ayon kay Albayalde, ginagamit ng mga masasamang loob ang mga bata na ipinapasok sa mga bahay na walang tao at saka pagbubuksan ng pintuan ang mga kawatan.
Mas mabuti ayon kay Albayalde kung ibibilin ang bahay sa pinagkakatiwalaang tao o sa kapitbahay.
“Sa ating mga kababayan lalung-lalo na ang mga uuwi sa kanilang mga probinsya, mangyaring isara pong mabuti ang ating mga pintuan at saka mga bintana natin. Kahit ang mga maliliit na pwedeng makapasok ang mga bata, kasi minsan po ginagamit ang mga bata para makapasok sa bahay at bubuksan from the inside ang ating mga tahanan. Mas maganda siguro ibilin natin sa taong pinagkakatiwalaan natin ang ating bahay o sa ating kapitbahay para maiwasan ang salisi o akyat-bahay incident ngayong Semana Santa
Tiniyak naman ni Albayalde na sapat ang tauhan ng NCRPO at tanging mga importanteng emergency leave lamang ang kanilang pinayagan sa kanilang hanay para masigurong ligtas at payapa ang magiging paggunita sa Semana Santa.