Dengue cases sa bansa, umabot na sa mahigit 92,000

 

Inquirer file photo

Umaabot na sa mahigit 92,000 kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health sa loob ng taong ito.

Ayon sa DOH, mula January 1, hanggang September 19, nasa 92,807 na kaso na ng dengue ang naitala sa buong bansa.

Ito ay mas mataas na ng 23.5 percent kumpara sa mga kaso ng dengue noong nakaraang 2014.

Karamihan sa mga nabiktima ng dengue ay mula sa Calabarzon, gitnang Luzon at Metro Manila.

Tumaas naman ang insidente ng dengue sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cantral Luzon, Calabarzon, Central Visayas, ARMM, Cordillera Autonomous Region at sa Kalakhang Maynila.

Sa Ilocos Region, lumobo ng 93 porsiyento ang kaso ng dengue na nakapagtala na ng 8,136 na kaso ngayong taon kumpara sa 4,253 noong 2014.

Bunsod nito, nananawagan ang DOH sa publiko na patuloy na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang mapigilang madagdagan pa ang mga kaso ng naturang karamdaman.

Read more...