Judge na may hawak ng kaso laban sa Aegis Juris Fraternity members, nag-inhibit

Nag-inhibit si Manila Regional Trial Court Branch 40 Judge Aldredo Ampuan sa paghawak ng kaso laban sa mga miyembro ng Aegis Juris fFraternity kaugnay ng pagkamatay sa hazing ni Horacio “Atio” Castillo III.

Sa pitong pahinang resolusyon, sinabi ni Ampuan na bagamat hindi sapat na ground para sa inhibition sa kaso ang imputation of bias o partiality, pinagbigyan niya ang mosyon na humihiling na siya ay mag-inhibit para mapawi ang pangamba ng mga akusado at kanilang pamilya.

Hakbang ito ng hukom matapos maghain ang mga respondents na sina John Robin Ramos at Juan Miguel Salamat ng motion to inhibit dahil bayaw siya ni Volunteers Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez.

Dahil sa kanyang pag-inhibit, ang kaso laban sa sampung Aegis Juris Fraternity members ay ira-raffle sa ibang branch ng Manila RTC.

Nakakulong ngayon sa National Bureau of Investigation ang sampung suspects na una nang nagpahayag ng pagnanais na manatili sila sa kustodiya ng NBI para sa kanilang kaligtasan.

Read more...