Summer Jobs, dapat ialok sa mga tambay ayon kay Sen. Angara

Dapat prayoridad sa summer job programs ng gobyerno ang mga out of school youth o mga tambay.

Malaking tulong ayon kay Sen. Sonny Angara ang kikitain ng mga ito sa pagta-trabaho ngayon bakasyon para makabalik muli sa pag-aaral dahil may pang-matrikula na sila.

Sinabi pa ng senador na sa kanyang iniakdang Republic Act 10917, ang Special Program for the Employment of Students ay hindi lang sa mga mahihirap na estudyante kundi maging sa mga out of school youth.

Paliwanag pa nito, ang mga out of school youths, college at technical-vocational students ay maaring makapag-trabaho anuman panahon sa buong taon samantalang ang mga high school students naman ay tuwing summer at Kapaskuhan lang.

Noong nakaraang taon base sa datos ng DOLE, sa mahigit P700 milyong pondo, halos 164,000 kabataan ang sandaling nakapag-trabaho sa mga ahensiya ng gobyerno.

Read more...