Cabinet members ipinagtanggol ni Panelo sa pagbanat sa ilang NGOs

Inquirer file photo

Walang nakikitang rason si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo para bawiin nina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang kanilang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang non-government organizations (NGOs).

Posible kasi ayon sa nasabing mga opisyal na ginagamit ng ilang illegal drugs syndicates ang ilang mga NGOs para siraan ang pamahalaan.

Partikular dito ang ilan umanong nagpapakilala na tagapagtaguyod ng human rights sa bansa.

Ayon kay panelo, hindi na kasi nakagugulat kung ginagamit ng mga drug lord ang mga inosenteng organisasyon para sirain ang bansa.

Nangangailangan din kaso umano ng pondo ang mga human rights group at maaring tumatanggap ng mga donasyon nang hindi nalalaman kung sino ang nagbibigay.

Ito ang naging reaksyon ng pamahalaan makaraang pumalag ang Human Rights Watch Asia sa pahayag nina Cayetano at Roque kasunod ang pagigiit na mistulang ipinoporma na ng gobyerno na magkaron ng death squad na papatay sa mga human rights advocate.

Read more...