Malacañang hindi apektado sa mga pasaring ni Cardinal Tagle

Inquirer file photo

Hindi tinamaan ang Malacañang sa pasaring ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na tungkol sa mga mapagmataas at mayayabang na hari.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maaring ibang world leader ang tinutukoy ni Tagle at hindi ang pangulong rodrigo duterte.

Paliwanag ni Panelo, “Oh, I’m sure he is referring to world leaders not from this country. I don’t think this administration feels alluded to or the leaders in this administration”.

Sinabi pa ni Panelo na walang ginagawang inisyatibo o violent action ang pamahalaan laban sa mga inosenteng sibilyan.

Kung mayroon man aniyang namamatay sa mga police operations ito’y dahil sa nalalagay sa peligro ang buhay ng mga pulis kung kaya napipilitang idepensa ang kanilang mga sarili.

Malinaw aniya ang polisiya ng pangulo na hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng pang-aabuso ng mga pulis o ng iba pang taong gobyerno.

Iginiit pa ni Panelo na masyadong mapagpakumbaba ang pangulo at malambot ang puso.

Sinabi pa ni Panelo na isang tagapagtanggol ng karapatang pantao ang pangulo.

Read more...