Dapat lawakan at suriin din ng Land Transportation Office ang kanilang bakuran sa modus na naglalagay sa mga pasahero sa panganib sa biyahe.
Sinabi ni Sen. Grace Poe na marami na siyang natatanggap na ulat at impormasyon ukol sa ‘no show’ o ‘non appearance’ ng mga sasakyan na magpapa-renew ng rehistro at prangkisa.
Aniya sumasailalim at pumapasa sa emission test ang sasakyan kahit hindi ito aktuwal na nasuri.
Idinagdag pa ni Poe na tumatanggap diumano ng suhol ang ilang tauhan ng LTO para palusutin ang emission test ng naturang sasakyan.
Banggit pa ng senadora na ilang kumpaniya ng bus ang may representative na kumakausap sa mga tiwaling kawani ng LTO para pumasa ang lahat ng kanilang bus units.
Sinabi pa ni Poe na nakakatakot na isipin na maging ang mga pampublikong sasakyan na hindi dapat bumibiyahe ay nakakapagsakay ng mga pasahero.
May mga pagkakataon din aniya na napapalitan ang engine at chassis numbers sa mga orihinal na dokumento.