PCOO officials pinagpapaliwanag sa maling grammar sa Malacañang media I.D

Inquirer file photo

Pinagpapaliwanag na ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang kanyang tatlong director na responsable sa mali-maling grammar sa I.D ng Malacañang Press Corps.

Ayon kay Andanar, pinadalhan na niya ng show cause order ang tatlo noong Biyernes.

Binigyan niya aniya ng pitumpu’t dalawang oras ang tatlong director na magpaliwanag subalit hanggang ngayon ay wala pang sumasagot.

Maari aniya isa o dalawa ang inaasahang sasagot sa kanyang show cause order ngayong araw.

Nanindigan pa si Andanar na hindi niya nakita ang likurang bahagi ng I.D bago ipinamahagi sa MPC.

Nabatid na ang International Press Center ang gumawa ng I.D ng MPC.

Mali rin aniya ang electronic signature na ginamit ng IPC sa nasabing accreditation I.D ng mga nagko-cover sa Malacañang.

Read more...