Ayon kay Sen. Win Gatchalian, ang principal sponsor ng Electric Cooperatives Energy and Resiliency Fund Act, paunang P750 Million ang magiging pondo at ito ay huhugutin sa P7 Billion budget ng NDRRMC para sa mga kooperatiba ng kuryente.
Aniya ang pondo ay maaring maibigay sa mga electric cooperatives na ang mga pasilidad sa distribusyon ng kuryente ay mapipinsala o masasalanta ng kalamidad.
Sinabi pa ng senador na ang pondo ay agad ipapalabas sa National Electrification Administration Quick Response Fund na siya naman maglalabas sa mga kooperatiba.
Paliwanag ni Gatchalian sa ganitong paraan hindi na ipapasa ng mga kooperatiba sa kanilang mga konsyumer ang ginastos nila sa pagsasaayos ng mga nasira nilang pasilidad.
Sa ngayon, may 122 electric cooperatives sa bansa.