PAO kinastigo sa paglalabas ng resulta ng ma sinasabing namatay sa Dengvaxia

Inquirer file photo

Hindi maituturing na reliable ang mga sinasabing findings ng Public Attorney’s Office na nagsagawa ng autopsy sa mga bata na naturukan ng Dengvaxia at namatay.

Sinabi ni US-based dengue expert Dr. Scott Halstead na hindi sa pamamagitan ng autopsy malalaman kung may kaugnayan ang Dengvaxia ang pagkamatay ng mga nabakunahang bata.

Ipinaliwanag pa ni Halstead na ‘ theoretical risks’ lang ang viscerotropism at neurotropism na binanggit nina Dr. Susan Mercado at Dr. Anthony Leachon sa pagdinig sa Senado.

Giit nito kailangan ng talagang masusing pagsusuri para malaman kung talagang may kinalaman ang Dengvaxia sa mga pagkamatay.

Paliwanag pa ni Halstead ang internal bleeding ng isang tao na may dengue at epekto nito sa atay, puso, at baga ay hindi rin maiiugnay sa Dengvaxia.

Magugunita na ito rin ang iginiit ng PAO sa pagdinig at kinontra din ito ni Halstead.

Maging ang World Health Organization ang nagsabi na talagang wala pang aktuwal na kaso ng pagkamatay na maiiugnay sa naturang anti-dengue vaccine.

Nagpayo pa si Halstead na kailangan ay maging maingat at mapanuri sa pangangalap ng impormasyon ukol sa Dengvaxia matapos ang mapaulat na dengue outbreak sa Cavite kamakailan.

Paalala pa nito na ibayong medical research ng mga eksperto ang kailangan para malabanan ang dengue sa Pilipinas./

Read more...