Napolcom: Ilang PNPA cadets sisisbakin dahil sa pambubugbog

Inquirer file photo

Sinabi ng National Police Commission (Napolcom) na mapaparusahan ang mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nasa likod ng pambubugbog sa anim na graduates ng nasabing police academy.

Naganap ang insidente ilang oras makaraan ang graduation ng PNPA Class of 2018.

Sinabi ni Napolcom Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao na may sarili na silang imbestigasyon na ginagawa kaugnay sa nasabing pangyayari.

Tiniyak rin ng opisyal na masisipa sa police academy ang mga nasa likdo ng nasabing pananakit.

Pinapatunayan lamang anya ito na walang respeto ang mga sangkot sa krimen sa kanilang mga uppermen kaya naghiganti ang mga ito.

Nauna na ring sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dapat managot ang sinasabing nambugbog sa anim na mga police inspector.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, aabot sa 40 PNPA cadets ang sangkot sa pananakit sa anim na mga bagong graduates ng PNPA.

Read more...