Biyahe ng Ocean Jet 11 patungong Siquijor, kinansela dahil sa sama ng panahon

Kinansela na ang magkakasunod na biyahe ng Ocean Jet 11 mula Dumaguete patungong Siquijor ngayong araw ng Lunes, March 26.

Ito ay dahil sa masamang panahon na nagdudulot ng malakas na alon sa karagatan.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard, apektado ng kanselasyon ang tatlong biyahe ng Ocean Jet 11 mula umaga hanggang hapon.

Ayon sa coast guard, kailangang kanselahin ang biyahepara matiyak na ligtas ang mga pasahero.

Kabilang dito ang alas 9:20 na biyahe, alas 2:20 ng hapon at ang biyahe ng alas 4:40 ng hapon.

Ang abiso ay inilabas ng Coast Guard Station sa Negros Oriental.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...