Hindi pa siksikan at normal lang ang byahe ng mga bus sa Sampaloc, Maynila.
Sa Victory Liner na may biyaheng Tuguegarao, Baguio, Zambales at Cagayan Valley, nasa 3,000 lang ang inaasahan nilang bibiyahe ngayong Lunes Santo.
Sa Miyerkules pa kasi ang inaasahan nilang dagsa ng mga pasahero kung saan nasa 4,700 ang kanilang target.
Gayunman, sinabi ni Alex Briones, acting Manager ng Victory Liner Sampaloc, fully booked na ang kanilang mga biyahe para sa Myerkules Santo, kaya kung kaya pa na bumiyahe na maaga ay inaabisuhan nya ang mga ito lalo na yung mga nakabakasyon na ay bumiyahe na.
70 buses ang normal na bilang ng tumatakbo na bus sa Victory Liner sa Sampaloc at target nila itong paabutin sa mahigit 100 ngayong Linggo.
Samantala, sa Florida Bus Transit din sa Sampaloc, matumal pa ang byahe pero inaashan na pagsapit ng gabi mamaya ay dadagsa na ang mga pasahero.
Ayon kay Francis Fiero, dispatcher, nasa mahigit 80 mga bus ang kanilang pababyahihin kung saan nasa 3,440 ang target nilang pasahero.
Ang Florida bus ay may biyahe na pa-Isabela, Tuguegarao, Apari at Cagayan Valley.