Lucio Tan nag-alok na magtatayo ng ikalawang drainage system sa Boracay

Nag-alok ang business tycoon na si Lucio Tan na magtatayo ng ikalawang drainage system sa Boracay Island.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nagpalada ng liham si Tan sa mga concerned agencies para banggitin ang kaniyang alok.

Ani Roque, may negosyo sa Boracay si Tan, nagsu-suplay umano ito ng tubig pero wala siyang sewerage system doon.

Dahil dito nagsabi umano si Tan na handa siyang magpagawa ng panibagong drainage system sa isla.

Ang ipapagawa aniyang drainage ay ikukunekta din sa wastewater treatment.

Kung matutuloy, lahat ng discharge na tubig, maging ang tubig ulan ay dadaan sa treatment at hindi na pupunta sa tubig ng isla.

Hiniling naman ni Environment Undersecretary Jonas Leones sa kampo ni Tan ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa kaniyang panukala.

Maliban sa Boracay Island Water Company, Inc., ang kumpanya ni Tan ay nagsu-suplay din ng tubig sa isla.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...