Dating Sen. Jinggoy Estrada pinayagang bumiyahe papuntang US ng Sandiganbayan

Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si dating Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng bansa sa loob ng isang buwan.

Si Estrada ay humiling sa korte na makabiyahe patungong Estados Unidos mula April 30 hanggang May 30.

Aniya, sa May 20 ay magsisilbi siyang speaker sa pulong ng US Pinoys for Good Governance (USP4GG) na pinamumunuan ng philanthropist na si Loida Lewis.

Sa kaniyang travel motion sa anti-graft court, inilakip pa ni Estrada ang liham mula kay USP4GG President William Dechavez kung saan nakasaad na nais ng kanilang mga miyembro na magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa “extrajudicial killings”, “Dengvaxia mess” at “federalism plan.”

Maliban sa kaniyang pagiging speaker sa nasabing event na gaganapin sa Sterling Heights sa Michigan sinabi ni Estrada na bibiyahe din siya kasama ang kaniyang pamilya.

Ito na aniya ang kaniyang magsisilbing treat sa kaniyang anak na si Julian para sa pagtatapos nito noong 2015.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...