Lotto bettor wagi ng mahigit P100M sa jackpot ng super lotto

Nag-iisang mananaya ng lotto ang mag-uuwi sa mahigit isangdaang milyong piso sa 6/49 super lotto draw.

Sa isinagawang draw linggo ng gabi ng philippine charity sweepstakes office, isang lotto betttor lang ang nakakuha ng winning number combination na 44-24-37-27-48-09.

Iuuwi ng nag-iisang lotto bettor ang kabuuang P104,228,816 na jackpot prize.

Samantala, wala naman pang nagwagi sa mahigit 49 million pesos na jackpot para sa 6/58 ultra lotto.

 

 

 

 

Read more...