Ang nasabing bagyo na ngayon ay nasa tropical storm category na at mayroong international name na “Jelawat” ay huling namataan sa 1,320 kilometers East ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 23 kilometers bawat oras sa direksyong West North West.
Kung hindi mababago ang direksyon nito, sinabi ng PAGASA na papasok ito sa bansa ngayong araw o gabi at papangalanang “Caloy”.
Sa ngayon apektado na ng extension ng nasabing bagyo ang Eastern Visayas.
Samantala, apektado pa rin ng northeast monsoon o amihan ang buong Luzon.