Bumagsak sa 11.5 degrees Celsius ang temperature sa Baguio City, umaga ng Linggo.
Ito ay bunsod pa rin ng pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan na magdadala ng malamig na panahon sa Luzon.
Ang naturang temperatura ay isa sa mga pinakamalamig sa buong taon.
Noong January 14, naitala ang halos kaparehong lamig sa Baguio City sa 11.4 degrees Celsius.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, inaasahang matatapos na ang pag-ihip ng amihan sa unang linggo ng buwan ng Abril.
“The northeast monsoon may terminate in the first week of April, giving way to the official start of the dry season,” ani Rojas.
Sakaling pumasok na ang tag-init o summer season ang iiral na sa buong bansa ay ang easterlies o mainit na hanging ngamumula sa dagat-pasipiko.