Pinaigting na kampanya kontra colorum PUV’s sisimulan ng I-ACT

 

Inanunsyo ng Inter-Agency Council for traffic o I-ACT ang pagpapaigting ng kampanya kontra sa mga colorum na pampublikong sasakyan simula ngayong araw.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang crackdown sa mga colorum vehicles makaraang masawi sa aksidente ang nasa 19 na pasahero ng isang bus sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, na pinuno ng IACT, kanilang tatargetin ang mga bus terminals sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

Makakatulong ng IACT ang iba pang mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP-Highway Patrol Group, Land Transportation Office, LTFRB at MMDA.

Nakatakda namang bumuo na ng draft ng plano ang IACT upang tuluyang masugpo na ang pamamayagpag ng mga colorum na sasakyan sa bansa.

Read more...