Indonesian bomber, naaresto ng NBI sa Sultan Kudarat

 

Hawak na ng National Bureau of Investigation-Region XI ang isang Indonesia national na hinihinalang miyembro ng terror group na Ansar al Khilafa.

Iniharap sa media sa Davao City ng mga tauhan ng NBI Region XI ang suspek na si Mushalah Somina Rasim na isa umanong suicide bomber.

Naaresto si Rasim noong Marso a-10 sa isang operasyon sa Sultan Kudarat.

Si Rasim ay may kasong illegal possession of firearms and explosives dahil sa pagkakasangkot umano sa pambobomba sa Ceribon, Indonesia taong 2011.

Nagawang makapasok umano ng suspek sa Pilipinas sa pamamagitan ng ‘backdoor’ entry ng Pilipinas sa Mindanao.

Patuloy ang imbestigasyon ng NBI sa suspek.

Read more...