Mayor Herbert Bautista, ipinag-utos ang pagpapasara sa Dimple star bus terminal sa QC

 

Isasara ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga terminal ng Dimple Star Bus sa lungsod.

Ayon sa Quezon City government, mismong si Mayor Herbert Bautista ang magsisilbi ng closure order nito sa bus company ngayong araw.

Ang pagpapasara dito ay bunsod pa rin ng aksidenteng kinasangkutan ng isa sa mga units nito na nahulog sa bangin sa Occidental Mindoro at ikinasawi ng 19 na katao.

Bukod dito, ayon kay Quezon City Public Affairs Department media officer Carol Claudio, magsasagawa rin ng inspeksyon si Bautista sa iba pang mga terminal upang tingnan kung sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon.

Matatandaang pinatawan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory BoARD (LTFRB) ng 30 araw na suspension ang buong fleet o 118 units ng bus company.

Ipinag-utos na rin ng pangulo ang kanselasyon ng prangkisa ng Dimple Star bus sa kanyang pagbisita sa sa lugar kung saan naaksidente ang isang unit nito.

Read more...