63-anyos na negosyante, patay sa pananambang sa Rodriguez, Rizal

 

Nasawi sa mga tama ng bala ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Rodriguez, Rizal Linggo ng gabi..

Nakilala ang nasawing biktima na si Rodrigo Tejada, 63-anyos.

Sa imbestigasyon ng Rodriguez police, nagmamaneho ang biktima ng kanyang L-300 van at binabagtas ang kahabaan ng Don Mariano Extension nang dikitan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.

Dito na pinaputukan ng mga gunman ang biktima na nagawa pang maitakbo ng ilang ilang metro ang sasakyan bago ito mawalan ng malay at tuluyang masawi.

Nakarekober ang mga otoridad ng apat na basyo ng kalibre 45 sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa likod ng pananambang sa biktima.

Read more...