2 sugatan sa aksidente sa Quezon City

 

Kapwa duguan ang dalawang lalaki matapos maaksidente habang binabagtas sakay ng motorsiklo ang Luzon Avenue sa Quezon City.

Hindi na nagawa pang alamin ng mga rumesoundeng tanod ang pangalan ng dalawang biktima dahil inuna nilang sagipin ang mga ito at agarang itakbo sa pinakamalapit na ospital.

Kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, mabilis ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang lalaki mula sa direksyon ng UP Diliman. Pagkababa umano ng mga ito sa tulay at makarating na sa Luzon Avenue ay sumalpok ang kanilang motor sa gutter, dahilan upang parehong tumilapon ang driver at angkas nito.

Ayon sa mga rumespundeng barangay tanod, posibleng lasing ang mga biktima dahil pareho itong amoy alak.

Paalala naman ng mga otoridad, huwag nang magtangka pang bumyahe kung naka-inom para maka-iwas sa aksidente.

Read more...