Anne Curtis, sinagot ang isyung rivalry nila ni Vice Ganda sa cosmetic business

Sinagot ni Anne Curtis ang isyu tungkol sa rivalry ng cosmetic business nila ni Vice Ganda .

Ayon kay Anne, sila mismo ay nagkagulatan na lang sa timing ng pagpasok nila sa cosmetics industry.

Aniya hindi naging isyu sa kanila ang pagkakaroon ng parehong negosyo.

Kung titingnan daw ang make-up kit ng isang babae ay hindi lang iisang brand ang makikita dito.

Dagdag ni Anne ito ay nagpapakita na lahat ay may lugar para dito.

Read more...