Stephen Curry, hindi makakapaglaro ng tatlong linggo

Hindi makakapaglaro sa loob ng tatlong linggo ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry dahil sa panibagong injury nito.

Nagtamo si Curry ng grade two sprain sa medial collateral ligament sa kanyang kaliwang tuhod.

Una dito ay nagka-sprain na siya sa kanyang kanang bukong-bukong kaya nawala siya sa anim na laro ng kanyang koponan.

Ayon kay Warriors Coach Steve Kerr ang panibagong injury ni Curry na isang ‘strange cruel twist of fate’.

Inaasahan na makakbalik si Curry sa pagsisimula ng playoffs kung saan kanilang muling susubukan na makapasok sa NBA finals sa ikaapat na pagkakataon.

 

Read more...