Pagkakaroon ng makabagong pamamaraan para maabot ang mga kabataan, tanggap ng simbahan

Tanggap ng Simbahang Katolika ang panawagan ng mga kabataan sa buong mundo na maghanap ng alternatibong pamamaraan para maipalaganap ang mga salita ng Diyos.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, na matagal nang gumagawa ng makabagong pamamaraan ang Simbahang Katolika para maabot ang mga mananampalataya lalo na ang mga kabataan.

Katunayan, sinabi ni Archbishop Jumoad na may mga madre ang nagsasagawa ng apostoles at nagtutungo sa mga bahay aliwan para kumbinsihin ang mga prostitute na magbagong buhay at magbalik loob sa Panginoon.

Sinabi pa ni Archbishop Jumoad na ngayong Semana Santa, aktibo ang Simbahang Katolika para paigtingin pa ang pananampalataya ng mga Katoliko.

Tatlo aniya ang haligi ng Semana Santa… una ay panalangin, ikalawa puasa at ikatlo ay ang pagbibigay ng limos sa kapwa.

Read more...