Archbishop Jumoad: Maging seryoso sa pagtitika ngayong Semana Santa

Pinaalahanan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang mga Katolikong mananampalataya lalo na ang mga kabataan na maging seryoso sa pagninilay-nilay at pagtitika ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Archbishop Jumoad na hindi dapat na gamiting schedule ang Semana Santa para magtungo sa beach at magbakasyon.

May panahon aniya para mag outing at hindi tama na gamitin ang Semana Santa dahil laan ito para pagnilayan ang Bibliya at ang mga salita ng Diyos.

Sinabi pa ni Archbishop Jumoad na hindi sana maging materialistic ang publiko at alalahanin ang mga sakripisyo ng Panginoon.

Kasabay nito, wala namang nakikitang masama si Archbishop Jumoad kung ipopost sa Facebook ang gagawing pagsisimba, pagninilay at pagtitika ngayong Semana Santa.

Siguraduhin lamang aniya na malinis ang intensyon at hindi para sa status lamang sa Facebook.

Read more...